Para malinaw ang lahat

Para malinaw ang lahat

ARMM HELPS Nilinaw na walang Ghost Project sa ARMM

Nilinaw ngayon ni ARMM HELPS Director Ginoong Anwar Upahm na walang Ghost Project sa limang probinsya ng Autunomous Region in Muslim Mindanao bagkus ito ay naaantala lamang dahil sa mga kagagawan ng ilang mga Contractor na may hawak sa mga proyekto ng kanilang tanggapan.

Ipinakita ni Director Upahm sa kanyang ginawang presintasyon sa harap ng mga Media Practitioner ng lungsod ang kanilang mga proyektong natapos na at mga proyektong hanggang ngayon ay hindi parin natatapos simula noong taong 2014 lalo na ang lalawigan ng Lanao Del Sur.

Ayon sa opisyal,nagkaroon na sila ng kasunduan sa pagitan ng mga Contractor at hanggang katapusan lamang ng taong ito pagbibigyan ng ARMM Government ang mga Contractor,nakalagay sa nasabing kalatas na kinakailangang tatapusin nila ito dahil nagbibigay ng hindi magandang imahe ng ARMM.

Karamihan sa mga hindi natapos na mga proyekto ay kinabibilangan ng mga Infra Project na kinabibilangan ng mga Healht Center Facilities,Barangay Hall at iba pa.

Sinabi ni Upahm na wala na silang responsibilidad sa nasabing hindi natatapos na mga proyekto sa usapin ng budget dahil na down load na lahat ng kanilang opisina ang pera sa tanggapan ng DPWH dahil sila ang naatasang magpapatakbo ng mga proyekto sa mga Barangay ng buong ARMM(German Nhor Gayak)